
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pinakikilos na nila ang sapat na bilang ng tauhan at resources nito para tumulong sa kapayapaan at kaayusan ng isasagawang tatlong araw na tigil-pasada simula bukas hanggang Huwebes, Disyembre 11.
Ito ay matapos inaanunsyo ng grupong Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) na ang 3 araw na nationwide transport strike bilang protesta sa sobrang taas na multa at mabagal na pagproseso ng mga dokumento ng gobyerno.
Kung saan ang isa sa kanilang pangamba ay ang patuloy na pag-oobliga ng mga awtoridad sa mga tsuper at operator ng unconsolidated public utility vehicles o PUVs na kumuha ng provisional authorities sa kabila ng hinaharap na multa at pagkaantala sa pagpoproseso ng dokumento ng mga ito.
Ayon kay acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na nya ang mga police commanders na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para matiyak ang kaligtasan sa nasabing isasagawang tigil -pasada.
Ayon pa kay Nartatez, magde-deploy ng mga police personnel sa mga pangunahing transport hub, pangunahing kalsada, at mga apektadong ruta ng nasabing kilos -protesta.
Bukod dito ay maglalagay din ng mga police vehicle na nakaantabay para magbigay ng tulong sa mga commuter na maaaring maantala o mahirapan sa paghahanap ng masasakyan.









