PNP, tiniyak ang sapat na gamot at medical supplies para sa mga tauhang nagpositibo sa COVID-19

Siniguro ng Administrative Support to COVID-19 Task Force (ASCOTF) na sapat ang supply ng kanilang mga gamot at medical supplies para sa kanilang mga tauhan na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa ngayon, umabot na rin sa 108 na tauhan ng PNP ang nasawi dahil sa COVID-19 infection.


Ayon kay PNP ASCOTF Commander at Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz ang PNP Health Service ang siyang nakatutok at nagsasagawa ng mga imbentaryo sa kanilang mga gamot, medical supplies at sa iba pang mga pangangailangan.

Sinabi pa ni Vera Cruz na ang mga pasyenteng may mild symptoms ay ginagamot sa kanilang mga isolation at treatment facilities at ang mga malubha ay dinadala sa mga ospital.

Facebook Comments