PNP, tiniyak ang seguridad sa inagurasyon ni Vice President Elect Sara Duterte sa June 19 sa kabila ng mga serye ng pambobomba sa Mindanao

Tiniyak ng Philippine National Police na walang anumang banta sa inagurasyon ni Vice President-Elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City sa June 19.

Ito ay sa kabila ng serye ng mga pagsabog sa Mindanao.

Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, batay sa imbestigasyon, tinitignan nila ngayon ang posibilidad na negosyo at hindi publiko ang target ng mga pag-atake sa Mindanao.


Partikular aniya rito ang magkakahiwalay na pagsabog sa Koronadal, South Cotabato at Tacurong, Sultan Kudarat at dalawang magkasunod sa Basilan.

Kasabay nito, tiwala si De Leon sa ilalatag na seguridad ng Police Regional Office 11 (PRO-11) sa inagurasyon ng presidential daugther.

Nabatid na may ipapadala rin ang National Headquarters na augmentation sa panunumpa ni VP Elect Sara Duterte.

Facebook Comments