PNP, tiniyak na babantayan ang mga nagho-hoard ng mga oxygen tank at iba pang medical equipment

Sa harap ng pagtaas na naman ng kaso ng COVID 19, may panawagan naman si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa publiko na iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.

Aniya, mahalaga ang oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies ngayong nanatili ang pandemya kaya’t sana aniya ay magkaroon ng malasakit sa kapwa lalo na sa mga mas nangangailangan ng mga ito.

Sinabi kasi ni Health Secretary Francisco Duque na walang kakulangan sa supply ng medical grade oxygen pero dahil sa dami ng nagho-hoard ng oxygen tanks sa mga bahay ay nagkakaubusan na.


Kaya naman nagbabantay ngayon ang PNP sa mga gumagawa ng hoarding at nanawagan rin sa publiko na ireport sa awtoridad kung may alam na gumagawa nito.

Mahigpit ring nakikipag-ugnayan ang PNP sa Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay rito.

Facebook Comments