PNP, tiniyak na hahabulin ang mga napagbentahan ng loose firearms sa Marikina

Tutugisin ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na nakabili ng loose firearms na ibinebenta ng iligal ng isang suspek sa Marikina city.

Pag-amin ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., mahihirapan ang kapulisan na i-trace ang mga parokyano ng suspek dahil wala itong rekords sa PNP Firearms and Explosives Office.

Pero tutugisin pa rin nila ang mga ito isa-isa sa sandaling makakuha ng lead ang PNP.


Aniya, sadyang delikado ang mga armas dahil maaari itong magamit sa krimen at iba pang iligal na aktibidad.

Paliwanag pa ni Acorda, patuloy ang isinasagawa nilang beripikasyon sa mga nasabat na armas upang mabatid kung saan talaga galing ang mga ito.

Nitong Biyernes, matatandaang nakumpiska ng PNP CIDG ang nasa 53 mga baril matapos magkasa ng raid sa isang tindahan ng mga baril sa Marikina.

Nabatid na ibinebenta ito online kung saan kabilang sa mga parokyano ng suspek ay gun enthusiasts, mga uniformed personnel ng PNP at AFP at ilang politiko na mayroong private armed groups.

Facebook Comments