PNP, tiniyak na handa sa posibleng panggugulo ng terorista matapos mapatay ang dalawang ASG at dalawa nilang supporters sa operasyon sa Paranaque City

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na handa ang kanilang hanay sa anumang planong panggugulo ng mga terorista.

Ito ay matapos na mapatay sa operasyon ng pulisya at militar ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawa nilang supporters sa Paranaque City.

Ayon kay Gamboa, tinututukan ng PNP ang security concerns at banta ng mga terorista sa kabila nang COVID-19 pandemic.


Pinuri naman ni Gamboa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa matagumpay na operasyon laban sa ASG.

Samantala, sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr. na mas napapanahon ng isabatas ang Anti-Terrorism Bill para mas maprotektahan ang mga Pilipino laban sa mga panggugulo ng terorista.

Facebook Comments