PNP, tiniyak na hindi aabuso sa pagkakapasa ng Anti-Terrorism Law; AFP, sinigurong mas mapoprotekhan ang mga Pilipino sa pagkakapasa ng batas

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na hindi aabuso ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier Gen. Bernard Banac, patuloy na magiging tapat ang mga pulis sa pagsasagawa ng mekanismo ng Anti-Terrorism Law para mas maayos itong maipatupad.

Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na mas may kapangyarihan na ngayon ang mga sundalo at iba pang law enforcement agencies na ipatupad ang batas sa paghuli sa mga terorista.


Giit ni Arevalo ang layuning ng Anti-Terrorism Law ay para sa public security at kapakanan ng lahat laban sa terorista.

Aniya, ang target ng batas ay mahuli ang mga nagsasagawa ng terorismo.

Facebook Comments