PNP, tiniyak na hindi kukunsentihin ang mga pulis na magbabanta sa buhay ng mga abogado

Tiniyak ng Philippine National Police na paparusahan nila ang mga miyembrong masasangkot sa mga pagbabanta laban sa mga abogado.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na isa sa napag-usapan sa naging pulong ng PNP at Integrated Bar of the Philippines ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga abogado sa bansa.

Paglilinaw pa ni Usana, hindi kinukunsinte ng pamunuan ng PNP ang mga ginagawang pagkakamali ng kanilang miyembro.


Sa pulong din kahapon ay ni-renew ng PNP at IBP ang kanilang memorandum of agreement na layong pagtibayin ang relasyon ng dalawang organisasyon at magtulungan sa pagprotekta sa mga legal professionals.

Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala ang IBP sa ginawang paghingi ng Chief Intelligence Officer ng Calbayog city ng listahan ng mga abogadong kumakatawan umano sa mga komunista.

Facebook Comments