Sa pagpapatupad muli nang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) mula August 6 hanggang August 20 ay tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na hindi matitigil ang byahe ng mga cargo o delivery vehicle na may dala ng mga essential item.
Aniya, kinausap nya ang Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield Commander, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director at iba pang PNP commanders na paigtingin na ang checkpoints at tiyakin na hindi matitigil ang dating ng supply ng mga pangungunahing pangangailangan.
Nilinaw naman ni PNP Chief na workforce Authorized Person Outside Residence (APOR) at ang consumer APORs ay pinapayagan na lumabas at pumasok sa Kalakhang Maynila bilang bahagi ng pagbalanse ng ekonomiya ng bansa.
Humihingi naman ng kooperasyon si PNP Chief sa lahat para magiging sulit ang paghihirap o sakripisyo na lahat dahil sa mga ipinatutupad na quarantine protocols.
Aniya, ang pinakalayunin aniya ng mga hakbang na ito ng gobyerno ay makontrol ang pagkalat ng virus partikular ang Delta variant ng COVID-19.