Monday, February 16, 2026

PNP, tiniyak na hindi magiging mala-pogo ang problema sa ilegal na pagbebenta ng sigarilyo sa bansa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ang ilegal na bentahan ng sigarilyo sa bansa ay hindi magiging mala-POGO na problema.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ito ang rason kung kaya’t agresibo ang PNP sa pagsasagawa ng mga raids at iba pang intelligence-driven operation para makumpiska ang mga ilegal na sigarilyo at ma-shutdown ang mga warehouses at mga manufacturing sites.

Ito ang pahayag ng PNP matapos sabihin ni Marikina Rep. Romero Quimbo na ang ilegal na bentahan ng sigarilyo ay nagiging bagong POGO dahil sa pinatatakbo ito ng mga foreigners at nagsasagawa ng hindi makataong pagtratrabaho sa empleyado nito.

Ayon kay Nartatez, marami pang raids sa mga hindi awtorisadong pabrika ang magpapatuloy habang pinalalakas pa lalo ng PNP ang koordinasyon sa iba pang concerned agencies sa paglaban kontra ilegal na bentahan ng sigarilyo.

Kagaya na lamang ng inspeksyon na naisagawa kanina sa tatlo pang ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa San Fernando City at bayan ng Mexico at San Simon Pampanga.

Facebook Comments