Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na magpapatupad sila ng malaking pagbabago hinggil sa magiging latag ng seguridad sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marco Jr., sa Hulyo a-24
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr., ang naturang hakbang ng PNP ay taliwas sa mga naging template ng kanilang security preparations sa mga nakalipas na SONA ng mga nagdaang pangulo ng bansa.
Paliwanag ni Acorda na hindi aniya tulad ng nakalipas na SONA, na hindi sila gagamit ng malaking puwersa kaya’t nakatitiyak ito na hindi magiging overkill ang kanilang paghahanda at wala ring malalabag na karapatang pantao.
Sa panig naman ng PNP Human Rights Affairs Office ni P/BGen. Limuel Obon na hindi rin sila maglalagay ng concrete barrier sa kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Batasan Complex.
Katunayan aniya, nakipagpulong na si Obon sa Commission on Human Rights para isapinal ang mga paghahanda para sa ikalawang pag-uulat sa bayan ng pangulo.