Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Joint Task Force COVID Shield na hindi na mauulit ang nangyaring sa partial opening ng Manila Bay white sand kung saan hindi naipatupad ang social distancing sa pagdagsa ng mga taong nais ma-feel ang mala-Boracay na itsura ng Manila Bay.
Sa interview ng RMN Manila kay PNP Deputy Chief for Administration at JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, mas handa na para sa maganda at mahigpit na preparasyon ang PNP sakaling muling buksan ang Manila Bay white sand.
“Ito pong activity na yun na sinasabi natin partial opening, yan po ay para noong weekend lamang. Sabado at Linggo. At ngayon, sarado ulit yan dahil second phase na ng renovation at maghihintay uli tayo kung kailan ulit iyan bubuksan. Pero makakaasa po kayo na kung sakaling bubuksan yan ay nakahanda na ang mas magandang preparasyon ng Philippine National Police sa tulong syempre ng mga agency concern.”
Nabatid na nagviral sa social media matapos na maalarma ang ilang netizen dahil sa pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay at hindi sumunod sa social distancing.
Dahil rito, agad na sinibak ang hepe ng Ermita Police Station na nakakasakop sa Manila Bay matapos mabigong maipatupad ang physical distancing sa mga excited na masilayan ang white.