PNP, tiniyak na hindi nagpapakampante kasunod ng sunod-sunod na bomb threat at papalapit na BSKE

Sa kabila ng paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag matakot kasabay ng sunod-sunod na naitatalang bomb threat partikular na sa ilang paliparan sa bansa.

Hindi naman nagpapakampante ang Pambansang Pulisya lalo pa’t papalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Philippine National Police PIO Chief PCol. Jean Fajardo, puspusan ang ginagawa nilang pakikipagpulong sa kanilang counterparts upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang BSKE sa Oktubre 30.


Una nang sinabi ng PNP na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.

Pinaigting na rin aniya ng National Capital Region Police Office ang presensya ng pulisya sa mga istratehikong lugar upang hindi masalisihan ng mga nagtatangkang maghasik ng kaguluhan.

Facebook Comments