Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na matatanggap ng 14 na sugatang pulis at 1 nasawi ang mga karampatang tulong at benepisyo.
Ito ay makaraan nilang maka engkwentro ang grupo ni dating Maimbung Sulu Vice Mayor Pando Adiong Mudjasan nuong Sabado ng umaga.
Nag-ugat ang insidente matapos lumaban ang grupo ni Mudjasan nang maghain ng arrest warrants at search warrant ang mga awtoridad dahil sa mga kaso nitong double murder; frustrated murder; double frustrated murder, multiple attempted murder; (5) counts of multiple attempted murder.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Red Maranan, base narin sa direktiba ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda ibibigay ang nararapat na tulong sa mga sugatang pulis para sa agaran nilang recovery gayundin ang benepisyo para naman sa naulilang pamilya ng isang pulis na namatay sa insidente.
Ani Maranan, hindi titigil ang mga awtoridad hangga’t hindi nahuhuli ang suspek upang mapanagot ito sa batas.
Kasunod nito, pinapurihan ng PNP ang mga pulis na ibinuwis ang kanilang buhay para lamang gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.