PNP, tiniyak na igagawad ang hustisya sa napatay na kagawad sa Pasay City

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ihahatid ang katarungan sa pamilya ng kahahalal pa lamang na Kagawad ng Brgy. 37 sa Pasay City na si Lina Censon Camacho.

Ito ang inihayag ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, makaraang masakote ang isa sa mga suspek sa krimen na kinilalang si Vladimir Del Valle Catubay na syang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa krimen.

Ayon kay Fajardo, dahil sa pinaigting na pagpapatrolya ng Pasay City Police, agad nasakote si Catubay.


Matatandaang November 6 nang mangyari ang krimen sa mismong Barangay Hall ng Brgy. 37 sa San Juan St., Pasay City kung saan nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo na nagresulta sa aragan nitong kamatayan.

Facebook Comments