Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na kontrolado ng mga pwersa ng gobyerno ang sitwasyon sa buong Mindanao.
Ginawa ni PNP chief ang pagtiyak matapos ang babala ni Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research Chief Rommel Banlaoi na posibleng mag- spillover sa Mindanao ang tensyon sa Afghanistan.
Maari aniya ma-inspire ang mga local terrorist group dahil sa gulo ngayon sa Afghanistan.
Sinabi ni Eleazar, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa militar para magbantay at matiyak na hindi makapagsasagawa ng anumang pag-atake ang mga local terrorist groups sa Mindanao.
Paiigtingin din anila nila ang intelligence gathering operations.
Panawagan naman ni PNP chief sa lahat na maging mapagmatyag at agad na i-report sa mga awtoridad kung may mga kakaibang pangyayari na magiging banta sa seguridad ng komunidad.