PNP tiniyak na magiging maayos ang pamamahagi ng cash assistance ng DSWD sa mga lubhang naapektuhan ng ECQ

226

Iniutos  na ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa kay PNP Deputy Chief for Operations at  Joint Task Force COVID  Shield Commander, Police Lieutenant General Guillermo  Eleazar na maging handa sa pagtulong sa DSWD sa pamamahagi ng cash assistance sa mga lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kaya Gamboa sa mga susunod na araw ay aarangkada na ang pamimigay ng cash assistance at aasahan ang presensya ng mga pulis sa pamimigay nito  katuwang ng mga taga Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Prayoridad ng Philippine National Police (PNP) ang pagtiyak ng maayos at mabilis na sistema ng distribution ng cash assistance.

Tutukan rin ng PNP ang mga posibleng pagkalat ng fake news na nagdudulot ng gulo sa mga pamilyang nangangailan ng tulong katulad nangyari sa Quezon city kamakailan kung saan nagresulta sa mass action.

Bukod sa PNP kasama rin sa Joint Task Force COVID shield ang AFP, Coastguard at Bureau of Fire Personnel na iinaasahang tutulong sa pamamahagi ng cash assistance.

Matatandaang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na tulungan ang DSWD sa pamimigay ng cash assistance sa mga lubhang apektado ng ECQ.

Facebook Comments