Siniguro ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na dadaan sa masusing proseso ang pag-apruba ng mga hiling para sa gun ban exemption.
Aniya, ang mga aplikasyon ay ipoproseso ng Commission on Elections (COMELEC) Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP) at Joint Security and Coordinating Council (JCSS) kung saan kasama ang PNP at AFP.
Batay sa proseso na itinakda ng Commission on Election o COMELEC, ang mga natanggap nilang kompletong aplikasyong na pumasa sa screening ng CBFSP Secretariat ay ipapadala sa CBFSP, PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP para sa evaluation sa loob ng tatlong araw.
Ang PNP ang magsasagawa ng threat assessment na magiging batayan ng kanilang evaluation.
Ang mga resulta ng evaluation ay pag-iisahin ng CBFSP secretariat, at kung aprubado ang aplikasyon ay mag-iisyu ng Certificate of Authority na lalagdaan ng CFBSC chairperson at ng mga kinatawan ng PNP at AFP.