Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa mananatiling ‘relentless’ o mabagsik ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ito’y matapos sibakin si Vice President Leni Robredo bilang Anti-Drug Czar.
Sa statement ng PNP, iginagalang nila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Sinigurado rin ng pambansang pulisya sa publiko na ang kampanya laban sa mga high value targets ay papaigtingin alinsunod sa Rule of Law at paggalang sa karapatang pantao.
Facebook Comments