PNP, tiniyak na mananagot ang mga nasa likod ng pagpatay sa beauty pageant candidate at kaniyang kasintahan

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na pananagutin ang mga indibidwal na nasa likod ng pagpatay sa beauty pageant contestant na si Geneva lopez at fiancé nitong si Yitshak Cohen.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nangako sila sa mga kaanak ng biktima na hindi sila bibitiw sa kasong ito at tuloy-tuloy ang gagawing imbestigasyon.

Kinumpirma rin ni Col. Fajardo na hawak na ng pulisya ang limang persons of interest (POI) sa kaso.


Aniya, dalawang dating pulis ay naaresto noong Sabado ng madaling araw kabilang ang sinasabing middleman.

Bago ito, nauna ng naaresto ang isang POI at may dalawa pang POI na ngayo’y under police custody na rin matapos boluntaryong sumuko.

Pero sinabi ni Fajardo, posibleng madagdagan pa ito dahil may ilang pang indibidwal na iniimbestigahan na maaaring may kinalaman sa kaso.

Maalalang ang bangkay ng dalawa ay natagpuan sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac noong Sabado.

Nawala sina Lopez at Cohen sa Tarlac noong June 21 ng umalis sa Angeles City sa Pampanga.

Nakatakdang makipagtagpo ang 2 isang middleman para makita agricultural land na kanila sanang bibilhin sa Tarlac City.

Mula noon hindi na nakontak ang dalawa.

Facebook Comments