PNP, tiniyak na mananatiling payapa at maayos ang pagtatapos ng voter registration sa kabila ng pandemya

Nagpaalala muli ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan na tiyaking nasusunod ang health protocols sa mga voter registration site.

Ito ay sa harap na rin ng papalapit na deadline para sa voter registration sa September 30 na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nakarating sa kaniya ang mga reklamo kaugnay sa dagsa ng mga nagnanais magparehistro at hindi na nasusunod ang physical distancing na maaring maging dahilan ng super spreader event.


Sinabi ni PNP chief na inaasahan na nila na habang papalapit ang deadline ay tiyak maraming hahabol kaya’t mahigpit niyang bilin sa mga tauhan na magpakalat ng sapat na tauhan upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang registration hanggang sa matapos.

Facebook Comments