
Tiniyak ng Philippine National Police na masasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang pulis na inakusahan na nagpaputok ng baril sa 3 menor de edad sa Parañaque City.
Nangyari ang nasabing insidente matapos komprontahin ang mga batang nag-iingay at nagpapapaputok.
Kung saan nilabas umano ng nasabing pulis ang 9mm na baril nito at pinaputok sa harap ng mga nasabing menor de edad na nagdulot sa kanila ng takot,shock at emotional distress.
Ayon kay PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente at titiyaking magkakaroon ng mahigpit na aksyon kung mapatunayang nagkasala ang nasabing pulis.
Ayon pa kay Nartatez, hindi kukunsitihin ng PNP ang anumang gawain na magkokompormiso sa kaligtasan,tiwala at kumpyansa ng publiko lalo na ang pangaabuso sa awtoridad ng mga kawani nito.










