Nilinaw ni PNP Chief Police General Oscar Albayade na dadaan sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa mga maghahain ng impeachment complaint kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Albayalde matapos na ipagutos ng Pangulo sa PNP na arestuhin agad ang sinumang maghahain ng impeachment laban sa kanya.
Paliwanag ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac gagawa ng imbestigasyon ang PNP at kapag napatunayang may paglabag sa batas ang paghahain ng impeachment complaint ay saka lamang aaksyon ang PNP para sa pag-aresto.
Giit ni Banac ang hanay ng PNP ay patuloy na sumusunod sa kung ano ang nakasaad sa batas at hindi aniya ito magbabago.
Facebook Comments