
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pa-iigtingin ng ahensya ang mga hakbang sa seguridad para sa ligtas at mapayapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay PNP Acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na mas pinaigting ang seguridad lalo na sa Metro Manila, mga pangunahing tourist spots at mga lugar na may Inaasahang malalaking pagtitipon kagaya ng mga simbahan, mga shopping mall, at transportation hubs.
Dagdag pa nya, na patuloy ang isinasagawang monitoring at real-time adjustments sa security measures sa mga convergence areas.
Kasama sa ginawang hakbang ng ahensya ay ang paglatag na rin ng mga checkpoint sa mga strategic locations, pagbabantay sa mga posibleng hotspot, at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at opisyal ng barangay para sa maagap na pagresponde.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni acting PNP chief na handa ang ahensya sa anumang posibleng banta, at sa mga worst-case scenarios.









