PNP, tiniyak na patuloy na mas maghihigpit sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols dahil pagkakaroon ng Lambda variant sa bansa

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Geneal Guillermo Eleazar na mas magiging mahigpit sila sa pagpapatupad ng mga quarantine protocol matapos na ma-detect ang Lambda variant ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, hindi susuko ang PNP sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols dahil isa ito sa nakikitang epektibong paraan para kontrolin ang paglaganap ng kahit anumang variant ng COVID-19.

Ipinapaubaya naman nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang anumang mga karagdagang aksyon na ipapatupad ng PNP.


Sa ngayon, patuloy ang panawagan ni PNP chief sa publiko na sumunod sa minimum public health safety standards and quarantine protocols.

Bukod dito, nanawagan din si Eleazar sa publiko na magpabakuna kontra COVID 19.

Facebook Comments