PNP, tiniyak na susundin ang 30 araw na palugit ng pangulo para magsumite ng resulta ng imbestigasyon kaugnay pagkawala ng mga sabungero

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kaso ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero dahil sa e-sabong.

Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Augustus Alba sa harap na rin ng patuloy na panawagan ng pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Alba, nagpapatuloy ang pangangalap ng mga matitibay na ebidensya ng PNP at tiniyak nakatutok ang pulisya sa kasong ito.


Sisiguraduhin din ng PNP na makakapagsumite sila ng case findings bago matapos ang 30 araw na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI).

Nais kasing malaman ng pangulo kung ano ang nangyayari sa mga sabungero nawawala matapos na masangkot sa e-sabong.

Facebook Comments