PNP, tiniyak na walang mangyayaring looting sa mga lugar na apektado ng Bagyong Quinta

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na hindi nila hahayaan na magkaroon ng “looting” sa mga lugar na apektado ng Bagyong Quinta.

Ayon kay Cascolan, ipinakalat na niya ang nasa higit isang libong pulis na kabilang sa search and rescue teams ng PNP at may 6,000 pang naka-standby kung kakailanganin na magbabantay sa mga iniwang ari-arian ng mga nagsilikas na mga residente.

Ipinag-utos din ni Cascolan sa ground commanders na simulan na ang pamamahagi ng pagkain sa mga evacuees kung saan kukuha sila sa PNP food bank.


Bukod dito, sapilitan nilang ipapatupad ang force evacuation kung kinakailangan sa mga high risk area dahil ayaw nilang may masawi ng dahil sa bagyo.

Facebook Comments