PNP, tiniyak na walang whitewash sa imbestigasyon sa umano’y hazing sa miyembro ng Regional Mobile Force Batallion sa Isabela

Siniguro ng Philippine National Police na walang mangyayaring cover up o whitewash hinggil sa umano’y hazing sa Regional Mobile Force Battalion 2 sa Angadanan, Isabela.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, imbes na ang local police ang PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group na ang siyang hahawak ng imbestigasyon.

Aniya, sa ngayon limang pulis ang subject ng imbestigasyon na kinabibilangan ng apat na corporal at isang patrolman.


Ani Fajardo, sakali mang mapatunayang sinaktan ang biktima na si Patrolman Jeremy Matthew Padilla, 26 taong gulang, maaaring maharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga police officers na sangkot tulad ng physical injury at paglabag sa Anti-Hazing Law.

This slideshow requires JavaScript.

Magkagayunman, masusi pa rin itong iniimbestigahan dahil ilang mga kaklase ng biktima ang nagsabing wala umanong hazing na nangyari.

Kasunod nito, hinikayat ni Fajardo ang biktima at mga nakasaksi na maghain ng reklamo upang mapanagot ang mga nasa likod ng umano’y hazing.

Facebook Comments