Friday, January 23, 2026

PNP, tiniyak sa Senado na made-deliver ang higit 17,000 na body-worn cameras sa Mayo

Inaasahang made-deliver na sa unang linggo ng Mayo ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 17,000 na mga body-worn cameras.

Nasa 17,454 units ng body-worn cameras na may halagang P872 million.

Sa pagdinig ng Senado ay ini-report ni PNP Director for ICT Management Police BGen. Englebert Soriano na nasa P32,000 ang halaga ng kada unit ng body camera.

Mayroong livestreaming capability ang mga body-worn cameras, may kasama na ring desktop computers, at network-attached storage.

Target ng PNP na makabili ng 90,000 body cameras hanggang 2028.

Tinalakay sa pagdinig ng Senado ang panukalang batas na nag-oobliga sa lahat ng mga law enforcers na magsuot ng body camera sa kanilang mga operasyon.

Facebook Comments