PNP, tinututukan ang mahigit 70 armed groups kaugnay sa 2019 elections

Manila, Philippines – Tinutukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 77 mga Private Armed Groups kaugnay ng 2019 midterm election.

Pero ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, maaari pang mabago ang nasabing bilang dahil sa nagpapatuloy na pangangalap ng impormasyon ng kanilang mga regional directors.

Aniya, sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagkikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Commission on Election (Comelec) para tiyaking magiging mapayapa ang eleksyon at maging ang plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).


Facebook Comments