PNP, tinututukan ang pagpatay sa isang election official sa Isabela

Gumugulong na ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pamamaslang sa isang election official sa Isabela City.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, kinilala ni Isabela Police Chief Lt. Col. Junpikar Sitin ang biktima na si Ruayna Sayyadi, election officer ng bayan ng Al-Barka.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nasa harap lamang ng Al-Barka Satellite Municipal Election Office si Sayyadi sa Barangay Doña Ramona, Isabela City nang lapitan ng gunman at pinagbabaril.


Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Nadala pa sa ospital si Sayyadi pero idineklara itong dead on arrival.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa likod ng naturang pamamaslang.

Facebook Comments