
Nangako ang Philippine National Police (PNP) na titiyaking “airtight” ang kasong isasampa laban sa mga tinawag na September 21 rioters.
Ayon kay acting PNP chief PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sisiguruhin nilang makakasuhan ang mga nagsagawa ng marahas na kilos-protesta sa Maynila noong Setyembre 21.
Ani Nartatez, patuloy na nangangalap ng ‘essential’ na ebidensya ang mga imbestigador sa pamamagitan ng interrogation at pagrerebyu sa social media posts kaugnay ng insidente.
Aniya, mananagot ang mga nakasugat sa mga miyembro ng pulisya at maging ng mga sibilyan.
Pumalag din si Nartatez sa mga kumukondena sa akusasyon sa PNP na police brutality dahil mga PNP personnel umano ang nakaranas ng karahasan.
Aabot na sa 216 na indibidwal ang naaresto kung saan 89 ang menor-de-edad na kaugnay ng September 21 riot.
Mula nasabing bilang ng mga menor-de-edad, 65 ang edad 15-17 anyos, habang 24 ang mga nasa edad 14-pababa.









