Malaki ang paniniwala ng hanay ng Philippine National Police (PNP) sa kakayanan ni Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., para pamunuan ang kanilang hanay.
Si Danao ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Officer in Charge ng PNP sa harap ng pagretiro sa serbisyon ni Police General Dionardo Carlos sa May 8, isang araw bago ang araw ng halalan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Bgen. Rhoderick Augustus Alba, na kung pagbabatayan ang track record at level of competence walang dudang kaya nitong mamuno sa PNP.
Dagdag pa ni Alba, na kung anuman ang sinimulan ni Gen. Carlos ay ipagpapatuloy lamang ni Gen. Danao lalo’t gaganap ang PNP nang mahalagang tungkulin para sa eleksyon sa Mayo a-9.
Si Gen. Danao ay magsisilbi lang bilang OIC ng PNP dahil ipinagbabawal ngayong panahon ng eleksyon ang pag-appoint sa anumang government position.