PNP, tiwalang magagampanan ni VP Robredo ang pagiging Co-Chairperson ng ICAD

Buo ang kumpiyansa ng Philippine National Police (PNP) na magagampanan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang bagong tungkulin sa pagpuksa ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, kinikilala nila ang malaking partisipasyon ng Bise Presidente sa Anti-Drugs Campaign.

Nirerespeto ng PNP ang opinyon ni Robredo na kailangang magkaroon ng re-assessment sa war on drugs.


Sinabi naman ni Dangerous Drug Board Chairperson Catalino Cuy, handa silang tulungan ang Bise Presidente upang maging pamilyar sa kanyang bagong trabaho.

Para naman kay DILG Usec. Jonatahan Malaya, pwedeng tutukan ni Robredo ang demand reduction ng ilegal na droga.

Umaasa ang DILG sa mga suhestyon ng Pangalawang Pangulo kung paano mapapabuti ang drug war.

Facebook Comments