PNP, tiwalang magagawa ang kautusan ni Pangulong Duterte na sirain sa loob lang ng isang linggo ang mga nakumpiskang droga

Handa ang Philippine National Police (PNP) sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang mga nakumpiska nilang ilegal na droga sa loob ng isang linggo.

Tiwala si PNP Chief Camilo Cascolan na kayang gawin ng pulisya ang utos ng Pangulong Duterte.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesman Police Colonel Ysmael Yu na mayroong proseso na dapat masunod sa pagsira ng mga ilegal na droga.


Ayon kay Yu, di pa sila nakakatanggap ng impormasyon kaugnay ng schedule para sa susunod na pagsira ng mga nakumpiskang droga.

Una nang sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kagabi na dapat ay sira na ang mga droga sa susunod na linggo para maiwasan ang pag-recycle sa mga ito.

Una nang nagpaalala ang Office of the Court of Administrator sa mga regional judges na inspeksyunin at ipag-utos ang pagsira sa mga nakumpiskang ilegal na droga sa loob ng period na nakasaad sa batas.

Kailangang inspeksyunin ng mga korte ang mga nakumpiskang droga sa loob ng 72 oras matapos na makapagsampa ng kaso at pagkatapos ay ipag-utos ang pagsira rito sa loob ng 24 oras ng ocular inspection at isang representative sample ang ititira.

Facebook Comments