PNP tracker teams, ide-deploy para hanapin ang pensioners na hindi nakapagpalista sa huling accounting

Magpapalabas ang Philippine National Police (PNP) ng mga tracker team sa pamamagitan ng mga Police Regional Offices sa buong bansa para hanapin ang mga PNP pensioner na hindi naisama sa huling accounting.

Bahagi ito ng Third Nationwide Accounting ng nalalabing 21,223 pensioners na hindi nakapag-update ng kanilang records noong 2019 at hindi naka-rehistro ng kanilang biometrics sa initial Nationwide Accounting mula February 27, 2020 to March 13, 2020.

Bibisitahin sila ng mga tracker (track-care) team sa kanilang last known address para mas kumbinyente sa mga pensioner.


Batay na rin ito sa utos ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa kay Police Colonel Arthur Bisnar, Acting Director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS), na i-modify ang proseso ng accounting ng pensioners para tumugma sa ‘new normal’.

Tiniyak naman ng PNP na susunod ang mga tracker team sa community quarantine guidelines at protocols ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) upang maprotektahan ang mga pensioner na kabilang sa “most at-risk” at “vulnerable age groups.”

Panagawan din ni Colonel Bisnar sa lahat ng concerned pensioners na makipag-ugnayan sa PRBS para sa anumang katanungan sa mga Hotline Numbers: Globe – 0977 714 5263 at Smart – 0961 899 0928.

Facebook Comments