PNP: Tulfo brothers humingi ng police escorts

File photo

Hiniling ng Tulfo brothers na sina Erwin, Ben, at Raffy na magkaroon ng police escorts ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame press briefing ngayong Lunes, Hunyo 3, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, nakiusap ang Tulfo brothers ng sariling security bilang mga pribadong indibidwal.

Nag-apply ang magkakapatid sa pamamagitan ng pag-fill out ng forms sa PNP kung saan nakalagay ang personal na impormasyon at detalye hinggil sa supposed threats na kanilang kinakaharap.


Siniyasat ito maigi ng pulisya at pinag-aralan ang good moral character at kredibilidad nina Erwin, Raffy, at Ben bago aprubahan ang kahilingan at ideploy ang dalawang police escorts sa bawat isa.

Hindi batid ng madla na may security ang Tulfo brothers kaya marami ang nagulat nang i-recall noong Sabado ang 8 police guards na itinalaga sa mga ito kabilang asawa ni Raffy na si Jocelyn.

Kinuwestiyon at binatikos ng social media users ang naging hakbang na ito. Ang Tulfo brothers ay kilalang mamamahayag ng katiwalian sa lipunan.

Sa isang programa sa radyo, minura ni Erwin si DSWD Chief Ronald Bautista at nagbanta pa na ilulublob ang mukha sa inodoro dahil tumanggi itong magpainterbyu.

Pumalag naman ang otoridad at militar sa ginawa ni Erwin sa kanilang kasamahan.

Inalis din kay Ramon Tulfo, special envoy sa China ni Pangulong Duterte at nakatatandang kapatid nina Erwin, ang security aides mula sa Marines. Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kinakailangan ng bumalik ang mga security aides sa front lines.

Pahayag ni Albayalde, hindi iba ang Tulfo brothers sa mga pribadong taong humihingi ng police escorts na mayroong din banta sa kanilang buhay. Meron din sariling security ang iba pang media personalities ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Nilinaw ng PNP Chief na bago pa siya maging pinuno at manalo bilang Pangulo si Duterte nitong 2016, mayroon na silang security escorts.

Facebook Comments