Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila bibitawan at titigilan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Red Maranan desidido ang Pambansang Pulisya na papanagutin kung sinuman ang nasa likod ng pagkawala ng mga ito.
Aniya, hindi tumitigil ang SITG Sabungero sa paghahanap ng bagong lead at impormasyon na maaaring makapagturo sa kinaroroonan ng mga ito at sa mastermind ng krimen.
Kamakailan, naglabas ng resolusyon ang Department of Justice (DOJ) kung saan nakitaan ng sapat na batayan para maharap sa patung patong na kaso ang jlang indibidwal na umano’y may kaugnayan sa pagkawalan mga sabyngero.
Samantala, hinihikayat ng SITG Sabungero ang sinumang may impormasyon hinggil sa kaso na tumulong para sa ikalulutas nito.