Walang namo-monitor na seryosong banta ang Philippine National Police (PNP) sa kabila ng away ngayon sa politika.
Ayon kay PNP Public Information Officer (PIO), Chief BGen. Jean Fajardo, patuloy ang kanilang intelligence gathering at koordinasyon sa iba pang law enforcment agencies, kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), upang matiyak na mapayapa ang bansa.
Tiniyak ni Fajardo na hindi nila papayagan ang sinumang grupo o indibidwal na magsagawa ng aksyon na labag sa batas at konstitusyon.
Nanawagan din ang opisyal sa publiko na maging mapagmatyag at maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood kaugnay ng political developments ngayon sa bansa.
Facebook Comments