PNP, tuloy sa paghahanap sa secret bunker ng KOJC kung saan na detect ang tibok ng puso

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na nasa compound lamang ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City ang puganteng si Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may mga impormante silang nagsasabi na nasa loob lamang ng KOJC si Quiboloy.

Wala rin aniyang ibinibigay na deadline sa pananatili ng mga pulis sa KOJC compound.


Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang paghahanap sa mga lagusan sa underground facility matapos na-detect ng ground- penetrating radar na may tibok ng puso rito.

Kasunod nito, iginiit ng PNP na patuloy nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa nagpapatuloy na paghahanap kay Quiboloy para isilbi ang alias warrant of arrest sa loob ng compound ng KOJC.

Ani Fajardo, utos ito ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kabila ng resistance ng mga myembro ng KOJC na layong mapahupa ang sitwasyon sa loob at labas ng KOJC compound.

Facebook Comments