Hindi pa rin tumitigil ang binuong tracker team ng Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta.
Ang dalawa ang sinasabing utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong October 2022 at whistleblower inmate na si Jun Villamor.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., patuloy ang isinasagawang manhunt operations ng mga awtoridad lalo na’t mayroong nakabinbing warrant of arrest ang dalawa dahil sa kasong murder.
Aniya, umaasa ang Pambansang Pulisya sa positive development ng kaso ni Lapid.
Nabatid na sa ilalim ng Marcos administration ang apat na mamamahayag na ang pinatay na kinabibilangan nina Rey Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, Cresenciano Bunduquin at si Juan Jumalon na brutal na pinatay kahapon sa Calamba, Misamis Occidental.