PNP, tumanggap ng mga bagong gamit mula sa PNP Foundation

Umaabot sa kabuuang ₱4.9M na mga bagong kagamitan ang tinanggap ng Philippine National Police (PNP).

Ang deed of donation ay sinelyuhan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., PNP Foundation Chairman dating Senator Panfilo Lacson, PNP Foundation Vice Chairperson Teresita Ang-See, at PNP Director for Logistics Police Maj. General Ronaldo Olay kahapon.

Binubuo ang donasyon ng mga computer, printer, projector, PA system, mga mountain bike para sa Police Regional Office 1, 2, 4, 4A, 5, 11, 12, Health Service at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).


Nabatid na mula nang itinatag ang PNP Foundation, nakapagbigay na ito ng kabuuang ₱193M halaga ng donasyon na pinakinabangan ng 348 istasyon ng pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.

Facebook Comments