PNP, tumatanggap ng mahigit 400 medical, legal at IT officers para sa kanilang lateral program

Inaprubahan ng National Police Commission ang dagdag na recruitment para sa Philippine National Police (PNP).

Sa pamamagitan ng Resolution No. 2021-0612, binigyan na ng “go” signal ang PNP na mag-recruit ng mas maraming doktor, abugado at IT experts sa pamamagitan ng lateral entry sa police service.

Ito’y para mapunan ang 434 bakanteng pwesto sa PNP para sa ranging police captain at police lieutenant.


Batay sa breakdown mula sa NAPOLCOM, magre-recruit ang PNP ng:

163 medical officers para sa health service

20 medico-legal officers para sa crime laboratory

100 legal officers para sa legal service; 100 information technology officers para sa information technology management service at

51 IT officers para sa Anti-Cybercrime Group

Sinabi ni Eleazar makatutulong ang mga bagong medical officer sa pagtugon sa kasalukuyang pandemya habang ang mga bagong abogado naman ay makatutulong sa kanilang kampanya at operasyon kontra kriminalidad.

Ang mga IT expert naman ay makatutulong sa adjustments na gagawin para makasabay sa ‘new normal’ at pagsugpo sa iba’t ibang uri ng cybercrime.

Facebook Comments