PNP Tumauini, Isabela, Nagpakain sa mga Mahihirap na Pamilya!

848

Cauayan City, Isabela- Nagpakain sa mga piling mahihirap na pamilya ang himpilan ng PNP Tumauini, Isabela bilang bahagi ng kanilang proyektong “Community and PNP One in Volunteering In Fighting the Disease (COVID).

Inilunsad ang naturang proyekto sa mga residente ng Gawad Kalinga sa Brgy. Arcon ng naturang bayan sa pangunguna ng hepe ng pulisya na si PMaj. Rolando Gatan.


Ang isinagawang Feeding Program ay inisyatibo mismo ng PNP Tumauini upang matulungan ang mga indigent families na higit na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Tinatayang aabot sa 600 na indibidwal ang nabenipisyuhan ng naturang proyekto.

Facebook Comments