PNP TUMAUINI, TUMANGGAP NG RESCUE VEHICLE

CAUAYAN CITY- Pinagkalooban ng bagong PNP Rescue Vehicle ang kapulisan ng Tumauini, Isabela.

Ang nasabing turn-over ay pinangunahan ni Municipal Mayor Venus Bautista at personal na tinanggap ni Chief of Police PMaj Melchor Aggabao Jr..

Ang naturang behikulo ay gagawing daan umano upang mapabilis ang pagtulong at pag-responde ng kapulisan sa mga mamamayan.


Bukod dito, mas mapapaunlad nito ang serbisyo ng PNP Tumauini kung saan mas mapapanatili ang katahimikan at kaayusan ng nasabing bayan.

Facebook Comments