Tuloy-tuloy ang ginagawang clearing operations ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Karding.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo, pokus naman ang kanilang mga tauhan ngayong post-disaster efforts.
Sinabi pa nito, maliban sa clearing operations, umaasiste rin ang mga kawani ng Pambansang Pulisya sa relief operations.
Aniya, nakahanda ang mga pulis na tumulong sa pagkukumpuni ng mga kabahayan na pinadapa ng Bagyong Karding.
Siniguro pa nito na ang lahat ng kanilang assets, kabilang ang transportation at communication equipment ay laging handa para sa nagpapatuloy na relief and clearing operations.
Una nang nagpakalat ang PNP ng nasa 1,584 personnel sa National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Regions nuong kasagsagan nang pananalasa ng Bagyong Karding para umagapay sa search, rescue and retrieval operations.