PNP, tutulong na rin sa paghahanap ng walong pasaherong nakasabay ng lalaking nagpositibo sa UK COVID-19 variant

1060

Hiningi na ng Quezon City Government ang tulong ng Philippine National Police (PNP) para mahanap ang walong iba pang sakay ng Emirates Flight No. EK 332 na sinakyan ng 29-anyos na lalaking nagpositibo sa UK COVID-19 variant.

Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU)  Head Dr. Rolly Cruz, natukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng walong pasahero.


Aniya, nakausap na nila ang anim sa mga pasahero na naka-quarantine sa kanilang bahay at hotel habang ang dalawa na may maling numero ay pupuntahan na ng mga pulis.

Bagama’t una nang nagnegatibo sa virus ang nasabing mga pasahero, kailangan sumailalim muli ang mga ito sa swab test.

Kasabay nito, nilinaw ni Cruz na hindi isasailalim sa localized lockdowns ang ilang barangay sa lungsod kung saan nakatira ang nasabing mga pasahero.

Facebook Comments