Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang police units sa mga lugar na naapektuhan ng malakas ng lindol kanina na umasiste sa mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Units (LGU) sa road clearing operations.
Ayon kay Gen. Danao, nagbaba na siya na kautusan sa lahat ng Regional at Provincial Police Offices na tumulong sa paglilinis ng mga apektadong daan.
Ani Danao, layon nitong hindi mahadlangan ang pagdadala ng emergency services at hindi makasagabal sa mga sasakyang may lulang essential disaster-response equipment and personnel sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol kahapon.
Kasunod nito, nagbigay na rin ng mandato ng PNP chief kay Area Police Commander for Northern Luzon Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr., na i-mobilize ang Regional Mobile Force Battalions and Provincial Mobile Force Companies para sa road-clearing at disaster response operations.