PNP, tutulong sa pagbuo ng panuntunan ng mandatory ROTC

Handang tumulong ang Philippine National Police (PNP) na bumuo ng panuntunan sa pagpapatupad ng mandatory military training para sa senior high school students.

Matatandaang lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8961 o mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) para sa grades 11 at 12.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albalyalde – tutulong sila sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) kapag naisabatas ito.


Kabilang sa nais ipasok sa course curriculum ay ang law enforcement, disaster response, rule of law at civil rights, bukod pa dito ang basic military science projects.

Malaki ang maitutulong ng ROTC lalo na sa pagtatayo ng matibay na pundasyon upang makintal sa mga kabataan ang patriotism at nationalism.

Facebook Comments