PNP, tutulong sa pagtukoy kung saan dumaan palabas ng bansa si Atty. Harry Roque

Handang magbigay ng investigative assistance ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, tutulong ang pulisya sa pagtukoy ng mga posibleng lugar na dinaanan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque palabas ng bansa.

Una nang sinabi ni Roque na nag-file siya ng counter-affidavit mula sa Abu Dhabi kaugnay ng qualified human trafficking complaint laban sa kanya.


Samantala, inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na plano nilang kasuhan si Roque, dahil wala silang naitalang pag alis ito ng bansa sa pamamagitan ng formal channels.

Facebook Comments